Saturday, October 14, 2006

Bakuna

Nitong isang araw nagpabakuna kami ni Isay. Kasama rin namin si Tatay dahil siya lagi ang humahawak kay beybi kung tuturukan na ng bakuna. Naalala ko pa noong una kaming napadpad sa may health center. Noong una hindi pa namin alam kaya't bumili kami ng isang pang bakuna at dinala namin siya sa kaibigang doktor sa may Pag asa QC. Medyo mahirap dahil kahit libre ang labor ng pagturok ang kaso lang gabi na ang clinic ni doc. Nabalitaan ko sa kapatid ko na sa center libre ang mga basic na turok, bcg, hepa, dpt, polio. Sa halagang 10. Opo sampung pisong donasyon sa iyong lokal na health center.

At ayun na nga napadpad na kami sa center na siyang hinanap pa ni Amats dito sa baranggay central. Mga isang buwan pa lamang halos noon si Isay ng dalhin namin siya sa center sa may pinyahan. Ang sabi ng tao sa center maaga daw pumunta dun para mauna makakuha ng number. Mga alas 8 ang bukas nila kaya dapat daw ay bago mag alad 7 ng umaga kami. Karay namin si beybi at dumating kami bago mag alas 8.

Hay! kay dami ng mga beybi. Andun na ang iba ng 6 ng umaga. Ang gaganda at gwapo gid! iba't-iba ang laki at hugis na totoo namang nakakagigil. Natuwa kami na makakita ng ganun kadaming beybi. Si Amats ay ilan lang sa mga 3 tatay doon at puro nanay na. Kwentuhan sa loob ng maliit na kwarto ang dami ng tao ay humigit kumulang mga 80 katao kasama na mga nanay, beybi at ilang yaya, lola, kapitbahay at iba pa. Medyo tumagal kami dun dahil ang tagal bago dumating ni lola nurse na siyang nagtuturok.

Habang nag iintay at pinapawisan sa alinsangan ng umaga, halo-halong istorya ang maririnig mo sa paligid. nakakatuwang makipag huntahan sa mga nanay. Mga kwento sa pag kabinat matapos manganak. Paglalaba kahit wala pang isang buwan ng panganganak. At eto pa, may namatay daw na nanay dahil sa binat kakilala ni manang. Tuloy ang mga kwento wala pa rin si lola nurse. Sa paligid yugyugan dibdib ng mga nanay na nagpapatulog sa kanilang beybi, ilang nanay naman walang pakundangan ang pagtataas ng t-shirt at bigay agad ang suso para kay beybi niya na umiiyak na habang tuloy naman ang pikikipag kwentuhan kay katabing nanay na parang walang ibang tao. Nakakatuwa parang nasa umpukan kami ng mga katutubong nanay.

Habang minamasdan ko itong eksena na ito, dama ko ang hirap ng maraming pinoy na nanay na gustong makatipid. Pero habang tumatagal ako sa pakikinig sa kanila nalaman ko na ito ay isang paraan din para makihalobilo sa iba pang nanay sa baranggay. Isang paraan ng pakikipagkapwa. Natuwa ako ng maiisip ko ito. Masaya na mahirap. Punong puno ng kwento at kulay. Sobrang lumaki ang puso ko na isa na rin pala akong nanay tulad nila.

Ang lahat ng ito dahil sa bakuna ni Isay.

naisip ko rin ang mga katutubong nanay at beybi.


salamat sa www.alibata.org para sa litrato na ito

1 comment:

Daisy said...

Hi Aimee,

Maraming salamat :O) sige lang text ka lang kung kelan kayo pede dumaan. Kayo na ang mag schedule just text us po.

Anytime you are available and ready to go just text us when.

Salamat sobra. mainit na yakap para sa inyong lahat!

labs,
Day