stirring thoughts from a traveler on a journey along life's trails and pathways... its valleys and mountains and oceans too, of simple joys and intricate weaves of adventure...thoughts of hope in the goodness of things and faith in a loving God...a way of seizing the day.
Sunday, September 17, 2006
si Hinata
Ay ang dami ko dapat isulat. Ilan sa mga kailangan sa lalong madaling panahon ay mga technical writing na kailangan talaga mag sunog ng kilay. Dahil sa kababasa ko lang sa mga true stories ng mga taong nanalo sa Palanca Awards, na-inspire ako na sumulat ng sumulat. Basta sumulat lang dito sa blog. Sobra lang akong natuwa sa kanilang mga kwento kung papano nila nilikha ang kanilang mga "award winning" na mga katha.
May isa nga sa kanila na si Andrada na tinanong kung ano nararamdaman nya sa pagkapanalo nya. Natuwa ako sa sagot nya, "tulad ng nararamdaman ni Hinata kapag nakikita nya si Naruto." Kakatuwa na lubog din sila sa pop culture, malalim mag-isip sa kanilang mga alegorya pero nakaka relate sa mga anime.
Sa mga nakakakilala sa amin ni Amats alam nila na fan kami ni Hinata at Naruto hehehe minsan nga noong wala pang pangalan si Isay nang tinanong ako ni Ian ano pangalan ni baby at biniro ko na Hinata. Bilib kasi ako sa karakter nito.
Isa lang si Hinata sa madaming anime characters. Syempre andyan ang mga Hayao Miyazaki na si Princess Mononoke at NausicaƤ (pero sa ibang pagakakataon ko na sila isusulat).
Tama nga si Torres Yu, ang pag journal ay gamot sa pagkati ng mga daliri at isipan. Hindi ka mapakali hangga't hindi mo nasusulat.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment