Thursday, April 27, 2006

Bakwit!

Malungkot, Masaya at Madrama ang araw na ito. Hindi ko na sana sasabihin pa ang mga detalye, saka na lang siguro, Pero naisip ko lang iblog kanina ang lahat ng sama ng loob ko sa maraming bagay, maliliit lang naman pero parang pag dumami na. Yun na.

Tanong ko nga kay God pano pa ko matututo ng "patience"? At sa isa na namang hindi inaasahan na pag kakataon sinagot Nya ako sa kakaibang paraan.

Dumaan dito isang kaibigan sa bahay at dahil sa kwentuhan, naalala ko ang Bakwit! isang documentary ng mga bata sa Mindanao. Matapos ko mapanood muli ang istorya ng buhay nila...napahiya na lang ako sa sarili ko... walang kwenta ang mga pinagbubuhusan ko ng sama ng loob kumpara sa dinadanas nila. Tinuruan ako ng Panginoon uli at ito ang maliwanag na inawit Nya sa akin... sobra akong naluha (uli) at nabuhayan ng loob. Salamat po.

Inawit ng isang batang muslim sa Maguindanao...

Isang Lahi

Kung ang tinig mo`y
Di naririnig
Ano nga bang halaga
Ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing
Ay laging pabulong

Aanhin ko pa, Dito sa mundo
Ang mga matang nakikita`y Di totoo
May ngiti't luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit di natin isabog ang pagmamahal

KORO:
Sundan mo nang tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi,
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang sadyang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y
nandiyan sa palad mo


Di ba't ang gabi ay may wakas
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag
Araw ay agad na sisikat
Iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
(Ulitin ang Koro dalawang beses)

sa palad mo......

No comments: